home

Quoted For Truth

quote

Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng aking bike ay nagmistulang kawan ng mga tuldok ang daan. Ibinaling ko ang aking ulo sa harap, nasisilaw ako sa liwanag kahit naka-shades ako, tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo. Puro tuldok pa rin ang aking nakikita, libo-libong tuldok sa isang mahaba’t nag-iisang kalsada sa gitna ng berdeng parang na iyon.

Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami na akong mga tinapos na relasyon na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga bahaging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala ganoon kadaling mamulot ng mga tuldok.

— Kasal ni Eli Rueda Guieb III

1 month ago

January 11, 2012